Para sa pangarap mong i-establish yung future mo at ng sarili mong pamilya. Para sa anak mo, para hindi nya maranasan mamrublema sa renta ng apartment. Para hindi sya mamrublema humanap ng pangbayad sa hospital bill pag matanda ka na at nagkasakit ka. Para hindi nya kailangan isipin na obligasyon nya na sustentuhan ka pag tanda mo. Para makapagsave din sya at mabuhay ng hindi nagigipit kada sweldo. Lahat ng pangarap na iyon, araw-araw mong pinagdarasal na sana matupad.